1.) Wastong pagkain - Napaka importante ng pagkain sa buhay ng tao at sa ating kalusugan. Malaking bagay ang wastong pagkain sa ating kalusugan. Hindi importanteng kumain tayo ng mamahaling pagkain lalo na iyong mga imported, ang mahalaga ay mga pagkaing nagtataglay ng tamang nutrients. Tulad ng green leafy vegetables, sariwang prutas at pag-inom ng gatas at tubig at ang pageehersisyo para maiwasan ang pagkakasakit.
2.) Bahay o tirahan - Dapat nating kailangan ang bahay sa ating pangaraw- araw na buhay pagkat ito ang ginagamit natin upang tayo ay dito magpahinga at magpalipas ng mga araw at panahon.
3.) Kaibigan - ang tunay na kaibigan ay aalalay sa iyo sa pagharap sa mga hamon sa buhay at tutulong pa nga sa iyo na maging mas mabuting tao.
4. ) Damit - Mahalaga ang damit kasi ito ang nag bibigay proteksyon sa ating katawan
5.) Tubig - Ang tubig ay mahalagang elemento ng pananatiling buhay at kinakailangang bagay sa isang pang-emergency na supply kit.Kasunod ng isang sakuna, maaaring walang makukuhang malinis na inuming tubig.Ang iyong regular na pinagkukunan ng tubig ay maaaring naputol o nasa alanganin dahil sa kontaminasyon.Ihanda ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng supply ng tubig na makasasapat sa pangangailangan ng iyong pamilya sa isang emergency.
MGA KAGUSTUHAN
- Edukasyon - Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
- Pag lalakbay- Ang paglalakbay ang kaisipan ng mga pista o bakasyon; sa ibang salita, ang pagtakas sa ating araw-araw na pagpupunyagi at paggawa.
- Libangan - Ang mga libangan ay isang kaaliwan o kalibangan na binabalak upang kunin ang pansin ng mga tagapakinig o mga kalahok. - Halimbawa ng mga libangan:
Kartun (sa kaunahan tradisyunal, kompyuter, at stop motion)
Pagsusugal
Chat
Sirko
Sayaw
Pelikula
Pagiinom
Mga Laro
Geisha
Pagpapatawa (kabilang ang mga payaso, komedyante, at mga patawa sa internet)
Salamangka - Pagkain sa restawrant paminsan-minsan. - Ito ay paraan para maiba naman ang panlasa ng nakakain maliban sa araw araw na nakakain sa bahay.
- Pagbili ng di-tatak na damit. - Mga mamahaling damit na nakaka pagpadadagdag ng yabang sa katawan.
No comments:
Post a Comment