Pag Ibig

ito ang pinakamakapangyarihang salita sa buong mundo. dahil sa salitang ito nagagawa natin ang mga bagay na sa tingin natin ay napaka imposibleng mangyari.

Buksan natin ngayon ang ating isipan sa makamundong aspeto nang pag-ibig. Sikapin natin unawin ang lahat ng mga nangyayari ngayong makabagong henerasyon. Babaybayin natin ang mga istorya ng maling pag-ibig na umiiral sa ating lipunan ngayon.Sadya nga bang magulo na ang mundo? Sadya nga bang baliw na ang mga tao? Babae sa babae nag iibigan. Lalake sa lalake nagmamahalan. Ano nga bang dahilan ng lahat ng ito? Bakit nangyayari ang ganito?

May mga kaibigan ako na nasa maling pag-ibig at relasyon ngayon, sabi nila nagmamahalan lang daw sila at mahal nila ang isa’t isa.Napaisip at napatanong tuloy ako. Sino ba ang nagpasimuno ng maling metalidad at pag-ibig na ganito?. Naalala ko tuloy bigla ang mga nabasa ko sa Bibliya noon.Namana nga siguro natin ito sa mga ninuno natin na ayon sa Bibliya ay nagkasala at gumawa ng mga maling relasyon. Nakakalungkot lang na di nila sinunod ang tamang relasyon at pag-ibig na plano ng DIYOS sa atin. Si EBA ay para kay ADAN at si ADAN ay para kay EBA. Hindi yung ADAN sa ADAN at EBA sa EBA.



Nakakalungkot isipin na ang puso natin ay mas madalas nating kaaway higit sa kaibigan. Marami itong nalalaman na hindi sinasang-ayunan ng rason. Ito ay mapanlinlang, at walang ibang ginawa kundi hanapin ang ikatutupad ng kaniyang mga pagnanasa. Kung ang dating red light ay nagiging green dahil ito ay sinabi ng iyong puso, mag-ingat!


Kahirapan hindi hadlang sa tagumpay



Pamagat:  Kahirapan: Hindi Hadlang sa Tagumpay
Panimula:
  1. Sipi  - MARAMI sa ating mga mamamayan particular sa mga magulang at mag-aaral na ang pangunahing sagwil o hadlang sa pagkakaroon ng tamang edukasyon ay ang kahirapan. Sa biglang tingin at hindi na pag-aaralan ang bagay na ito, maaaring totoo na ang kahirapan nga ang siyang dahilan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral o hindi makatuntong man lamang kahit sa unang taon sa mataas na paaralan ang isang mag-aaral.
  2. Tanong - Tunay nga bang 'ang kahirapan ang siyang sagwil o hadlang para hindi makapagtapos ng pag-aaral'?
  3. Anekdota – Ayon sa kwento ng aking Ina, silang magkakapatid ay laki sa kahirapan.  Kailangan daw nilang makipagtrabaho sa pagsasaka upang makabili lang ng gamit sa paaralan.  At may isang panahon daw na kailangan lumiban ng aking Ina sa klase para lang makipag trabaho para magkapera at may pambili ng damit pampasok sa paaralan.
Katawan
  1. Kalagayang Pinansial – Sa ngayun, dahil sa pagsisikap, medyo naka ahon na sa hirap ang aking mga magulang.
  2. Pamilya - para saken hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay...sabe nga nila pag may tyaga may nilaga...makakamit mo ang tagumpay sa maraming paraan...tulad na lang ng working student isa yan sa tumutulong para makapa-aral tayo para makamit natin ang ating pangarap, kahit mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtrabaho pag kaya mo may kinabukasan ka..lailangan lang ng tiwala sa sarili at pananalig sa diyos.
  3. Pangarap – Pangarap kong makatapos ng pag aaral at magkaroon ng sariling kita upang makatulong din ako sa aking pamilya lalo na sa aking Ina na kailangang lumayo sa amin upang makapag hanap buhay.
  4. Mga salik na nakaka apekto sa inyong pangarap – Minsan tinatamad akong pumasok ng paaralan dahil malayo ang aking paaralan sa aming bahay.
  5. Overcome – Ngunit dahil iniisip ko ang nagawang pag hihirap ng aking Ina, at dahil sa kagustuhan kong makatapos sa pag aaral,  kailangan kong mag aral nag mabuti at maging mabait na mag aaral.
Wakas – Generalize from the title
Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang ay makapagtatapos siya ng pag-aaral. Maraming paraang ang puwedeng magawa nang hindi gagawa ng masama. Ipokus lamang ang kaisipan sa magagandang bagay na magsisilbing motibasyon niya sa kanyang pag-aaral ay tiyak na makararating siya sa kanyang paroroonan. Marami na rin sa panahon ngayon ang mga samahan o Foundation na handing tumulong sa mga mahihirap na mag-aaral para makapagtapos sa minimithing pangarap. Sabi nga sa kasabihan; 'Kapag gusto ay may paraan, subalit kapag ayaw ay may dahilan'.

Popular Posts